Sa kabila ng pandemya, hindi binago ng mag-asawang Charlene at Aga Muhlach ang kanilang tradisyon na makasama ang kanilang mga anak sa pagdiriwang ng pasko.
Bagamat nasa magkaibang bansa ang kambal ng dalawa, sinikap nilang makasama ang isa sa mga ito kung saan napili nilang magpasko sa America kung saan nag-aaral si Andres.
Hindi naman nakasama ng mag-anak sa dinner si Atasha dahil nag-aaral ito sa UK.
Kasama din sa bonding ng mag-anak ang panonood ng NBA game nang live sa Los Angeles California.
Hindi din naiwasan ni Charlene na magpost ng touching message para sa kanyang mga anak.
Inaasahan namang pupuntahan nina Aga at Charlene si Atasha pagkatapos ng new year.