COVID-19 cases sa PH, lumagpas na sa 2M

Lumagpas na sa dalawang milyon ang bilang ng kaso ng COVID -19 sa bansa matapos maitala ang 14,206 new infections ngayong araw. 

Ayon sa Department of Health (DOH), pumalo na ang total case count sa 2,003,955 habang umakyat na sa 140,949 ang active cases sa bansa.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Sa bilang na ito, 96.1 percent ang mild, 1.1 percent ang asymptomatic, 1.2 percent ang severe, at 0.6 percent ang nasa kritikal na kondisyon. 

Read More:  Marcoleta pleads not guilty in plunder case

Umabot naman na sa 1,829,847 ang total recoveries, matapos na gumaling ang 18,754 pang pasyente.

Samantala, nasa 33,533 na ang kabuuang bilang ng nasawi sa nasabing virus matapos makapagtala ang bansa ng 86 bagong fatalities.