LCWD binanatan re: usad-pagong na pagtugon sa mga problema sa serbisyo sa tubig

BICOL—Nababagalan umano si alkalde Noel Rosal sa mga hakbang ng Legazpi City Water District (LCWD) sa pagtugon sa mga problema nito sa serbisyo sa tubig.

Sa isang panayam inihayag ng opisyal na kung maaari lang na i-take over ng lokal na pamahalaan ang pamamahala sa sersbisyo sa tubig ay mas paborable subalit hindi umano ito pinapayagan ng batas.

Salig sa polisiya, hindi maaaring hawakan ng LGU ang alinmang local water districts na nasa ilalim ng Local Water Utilities Administration (LWUA).

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution

Anya, kailangang magkaroon ng direksyon ang LCWD at tutukan ang paghahanap ng pangmatagalang solusyon sa matagal nang problema sa water service.

Kulang umano ang water sources ng lungsod dahil umaasa lamang ang Philhydro sa Pawa at Yawa river na hindi naman sasapat para matugunan ang araw-araw na pangangailangan ng mga consumer.

Tinukoy ng alkalde ang paghahanap ng ibang water sources, pagpapabilis sa clarifier ng Philhydro at tanggapin ang alok ng Mactan Rock and Kinsai supplier.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Sa ngayon ay mayroon umanong ginagawang negosasyon ang opisyal para sa posibleng dagdag na water source.

Mababatid na matagal nang inirereklamo ng mga consumer ang mahina at kung minsan ay maruming tulo sa gripo sa lungsod pero hanggang ngayon ay wala pa rin itong pangmatagalang solusyon.# || slm