Lawak ng pinsalang iniwan ng bagyong Paeng sa mga palayan at irrigation facilities sa Camarines Norte inaalam pa  rin ng NIA

CAMARINES NORTE- Inaalam pa  rin ngayon ng National Irrigation Administration (NIA) ang lawak ng pinsalang idinulot sa mga pananim na palay at irrigation facilities na iniwan ng bagyong Paeng sa lalawigan ng Camarines Norte.

Ayon kay Mar Villamonte, Public Information Officer ng Camarines Norte Irrigation Management Office nasa proseso pa sila ngayon ng validation at confirmation kaya hindi pa ito makapagbigay ng eksaktong lawak at halaga ng pinsala mahigit isang linggo matapos ang pananalasa ng bagyo.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Gayunman wala naman umanong gaanong naging pinsala sa irrigation facilities maliban sa mga standing crops lalo na sa Sta Elena at Capalonga.

Apektado ng bagyo ang nasa halos 50 ektarya sa Santol CIS at halos limang ektarya sa Guitol CIS sa Sta Elena kung saan makikita sa larawang ibinahagi ng ahensiya sa Brigada News FM ang lawak ng pinsala sa mga palayan.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Nasa 27 ektarya naman ang apektado ng bagyo sa Tinawid CIS- Sta Elena kung saan nagkaroon ng eroded canal.

Una nang nag abiso ang NIA sa mga Pangulo ng CIS at NIS na magsagawa agad ng inspeksyon sa mga irrigation facilities at palayan pagkatapos na manalasa ang bagyo.

Noong November 2, ang itinakdang deadline para maisumite sa PDRRMO at NDRRMC