LEGAZPI CITY – Naging matagumpay ang isinagawang Launching at Unveiling Ceremony ng Bicol Regional Development Plan 2023-2028 ng National Economic Development Authority (NEDA) Bicol.
Kasama sa mga dumalo ang mga regional directors ng iba’t ibang mga ahensya ng gobyerno at stakeholders.
Ayon kay NEDA Bicol Regional Director Luis Banua, ang BRDP ay ang pangalawang plano ng mga ahensya patungo sa ambisyon sa taong 2040.
Nagsimula ang pagpaplano ng ahensya mula noong taong 2016-2022 at ngayon namang 2023-2028.
Layunin nitong umasenso ang mga Bicolano, tumaas ang growth rate at maabot ang 8.5% upang bumilis ang growth rate economy ng rehiyon.
Aniya, makikita sa RDP book ang iba’t ibang chapter hanggang sa framework upang ang lahat ng sektor ay makasama tulad ng infrastructure, tourism, economic, fishery, agriculture at iba pa upang magkaroon ng magandang trabaho at mapababa ang poverty incident mula 29.3% patungo sa 18%.
Ito ay gagamitin ng lahat ng national government upang pagtulungan ng mga ito ang priority programs o projects para sa pag-asensyo ng rehiyon.
Kabilang sa mga proyekto ay ang pagpapalakas ng internet connectivity, rail road, international airport at marami pang iba.
Sinabi pa ni Banua, ang Regional Development Plan na ito ay ginawa upang malaman ng taumbayan ang mga plano at dapat na suportahan ang mga programa ng gobyerno.
Samantala, dumalo sa aktibidad sina ASEC. Gen. Greg Pineda, NEDA Regional Development Group at ASEC. Sara Ducanes ng kaparehong ahensya.