Lasing nanita ng kapwa lasing, nasaksak

Nagtamo ng sugat sa braso at ulo ang 60-anyos na si Nestor De Roxas Medina matapos saksakin ng kanyang sinita na nag-iinuman sa isang waiting shed sa Zone II, Purok Sambuton, Brgy. 3 , Roxas Palawan bandang alas-otso kagabi, Ika-3 ng Hunyo.

Ang suspek ay si Oris Montanio Espartero, 50-anyos at residente rin sa lugar.

Read More:  63-year-old fish vendor shot in Cebu City by riding-in-tandem gunmen

Ayon sa PNP, kasama ni Oris ang kanyang dalawang kaibigan na nag-iinuman sa waiting shed nang dumating si Nestor na may dalang kutsilyo at pinapaalis sila.

Nagresulta umano ito ng mainit na pagtatalo hanggang sa inundayan ng saksak ni Nestor si Oris ngunit nakailag ito at naagaw ang kutsilyo bago naman sinaksak ni Oris si Nestor at nasugatan sa braso at ulo.

Read More:  Slain rebels in southern Negros responsible for 26 civilian killings since 2025, Army says

Samantala, isinugod sa pagamutan si Nestor habang si Oris naman ay hawak na ng PNP na posibleng maharap sa kasong Frustrated Homicide.