Laro ng lahi naging bahagi ng pagdiriwang ng Womens Month ng mga Aleng Pulis ng Camarines Norte

Naging bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan ang isinagawang aktibidad na Laro ng Lahi” para sa lahat ng kababaihang pulis at non-uniformed personnel (NUP) ng Camarines Norte Police Provincial Office

Naging matagumpay ang naturang aktibidad na pinangunahan ng  mga tauhan ng Provincial Communit Affairs and Development Unit sa loob ng Camp Wesceslao Q Vinzons Sr., Brgy. Dogongan, Daet, Camarines Norte.

Ang nasabing aktibidad ay naglalayon na makabuo ng mas matibay na buklod ng kooperasyon, komunikasyon at tiwala sa mga kapulisan ng CNPPO gayundin upang palakasin at pataasin ang moral ng mga kababaihan

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Nilahukan ito ng humigit-kumulang Dalawang Daan at Apatnapung (240) Juanas ng PNP Camarines Norte kung saan tampok ang mga palaro na T-shirt Relay,Balloon Games (Caterpillar and Putukan Na); Kadang-kadang; Pako sa Bote; Plastic Cup Relay; Trip to Jerusalem; Lava Walk; Sack Race; Straw Relay; Tug of War; Water Relay; Talong Foot Relay; at ang pinaka inabangan ng lahat ay ang “Biik Hunting”

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Bukod sa mga palaro ay nagkaroon din ng patimpalak para sa pinakamagaling na “Tiktokers” para sa “Tiktok Dance Competition” na binubuo ng mga kalalakihang pulis mula sa labindalawang municipal police station, dalawang provincial mobile force company at ang mga tauhan ng Provincial Headquarters.

Samantala, sa mga palaro naman ay nanguna ang Blue Team o ang pangkat ng 1st CNPMFC na tinaguriang “Lady Warriors”.