Umabot na ng 47,000 liters ng langis ang nakolekta sa lumubog na MTKR Terranova sa nagpapatuloy na oil recovery operation sa Bataan.
Nakolekta ang langis ng kinontratang salvor company na Harbor star.
Ayon sa Philippine Coast Guard, nagpapatuloy ang sea surface surveillance ng BRP Sindangan maging monitoring at oil sampling sa lugar.
Nag-spray din ng dispersant at gumamit ng water cannon upang mabawasan ang oil sheen sa ground zero.
Samantala, sinimulan naman ng Salvor company na MOrning star ang wooden plugging bago ang pag-pump out ng sea water sa hull ng sumadsad na MV Mirola 1.