‘What happened in Escoda Shoal is unacceptable’
‘yan ang mariing pahayag ni Senate Majority Leader at Special Committee on Philippine Maritime and Admiralty Zones, Chairperson, Francis Tolentino hinggil sa naging ‘ramming incident’ o banggaan sa Escoda Shoal nitong Lunes.
Kung saan, ang nasabing insidente ay nagdulot ng pagkawasak ng dalawang patrol ships ng Philippine Coast Guard (PCG).
Kasunod nito, muling nanawagan ang senador sa Pangulo na pulungin na ang National Security Council (NSC) upang maaksyunan ang naging agresibong aksyon ng China.
Dagdag pa niya, posible ring mahingi ang opinyon ng PCG, Philippine Navy at Department of Foreign Affairs (DFA) hinggil dito.
Samantala, ipinunto naman niyang dapat lang na mapagbayad ang China sa dinala nitong pinsala sa dalawang barko ng bansa.