Albay naghahanda na sa posibleng paglakas ng TY Odette; Probinsya isinailalim na sa Preparedness and Monitoring Status

Kasalukuyan nang nakasailalim sa Preparedness and Monitoring Status ang lalawigan ng Albay bilang paghahanda sa posibleng epekto at sama ng panahon na dala ng bagyong Odette.

Batay sa inilabas na Advisory No. 2 ng Albay Public Safety and Emergency Management Office kahapon, pinapayuhan at pinaghahanda ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ang lahat ng Municipal at Barangay Disaster Risk Reduction Management Council sa probinsya na maging alerto sa lagay ng panahon.

Read More:  Man found handcuffed, tied inside septic tank in Davao City
Read More:  63-year-old fish vendor shot in Cebu City by riding-in-tandem gunmen

Pina-activate na rin ang lahat ng mga disaster operation centers sa bawat munisipalidad at inabisuhan na manatiling nakaantabay sa galaw ng bagyo. Inaasahan rin umano nakahanda na ang mga ito sakaling kailanganin ang rescue sakaling magkaroon ng mga pagbaha, landslides, coastal flooding at lahar flow.