Guro , ibinahagi ang sakripisyo ng vaccination team matapos lumubog ang bangkang sinasakyan sa Camarines Sur

NAGA CITY-  Kasabay ng  Round 2 ng National Vaccination Days, tuloy ang pagsasakripisyo para maabot ang herd immunity. Ito ang ibinahagi sa Brigada News FM Naga ng isa sa mga kasama sa vaccination team ng Pasacao , Camarines Sur sa kabila  ng paglubong ng bangkang sinasakyan nitong nagdaang lingo.

Mababatid na labis ang takot na naramdaman ng vaccination team matapos na lumubog ang bangkang kanilang sinasakyan pauwi mula sa pagbabakuna ng pediatric population sa Barangay Tinalmud.

Read More:  CPSU’s innovation drive earns place among world’s top universities

Kwento sa Brigada News FM Naga ni teacher Analyn Sinforoso- Cabrera, sariwa pa sa kaniyang isipan ang pangyayari bandang alas sinco ng hapon nitong Dec. 7, 2021. Pauwi na sila mula sa Barangay Tinalmud, nabutas ang hulian ng bangkang sinasakyan nang tumama sa bato, hindi pa naman matulin ang takbo kaya paunti-unti ang paglubog. Ang iba nagsitalunan na habang ang iba ay humawak sa bangka.

Mabuti na lamang kita sila sa pinagmulang pampang, nagsisigaw at gumawa sila ng kilos na maaaring makakuha ng atensyon ng mga residente. Sumaklolo kaagad ang mga nakakita, maliliit na bangka ang rumisponde na kanilang nalipatan.

Read More:  Motorcycle used for livelihood stolen in Puerto Princesa City; owner appeals for return

Basa rin ang mga gamit ng nasa 15 na mga nurses at ilang guro, pati ilang dokumento.

Sa huli, ipinayo nito sa kapwa mga volunteers , health care workers at iba pa na huwag panghinaan ng loob sa laban kontra COVID-19.