Lalaking umawat sa away, sinaksak ng basag na bote sa Lucena City

Sugatan ang isang lalaki na umawat lang umano sa away matapos itong saksakin ng basag na bote sa Barangay Ibabang Dupay, Lucena City nitong Linggo, Mayo 19.

Read More:  Heavy rains trigger flooding, damage dikes in parts of Gensan, Soccsksargen

Ayon sa police report, inawat lamang umano ng biktima ang kanyang mga kainuman na nag-away subalit nabaling ang galit ng suspek sa kanya.

Doon na sinaksak ng suspek ang biktima gamit ang basag na bote sa kaliwang braso saka tumakas.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Samantala, isinugod naman sa hospital ang biktima at kasalukuyang nagpapagaling habang ang suspek ay patuloy na tinutugis ng mga awtoridad.