Lalaki, sugatan matapos sumalpok ang minamanehong motor sa gutter sa Tayabas City

Sugatan ang isang lalaki matapos sumalpok ang minamaneho nitong motor sa gutter sa Barangay Mate, Tayabas City nitong Linggo, Mayo 19.

Read More:  Appliance center manager robbed at gunpoint in Davao City

Ayon sa report, nawalan umano ng kontrol ang driver ng motor na nagresulta sa pagsalpok nito.

Samantala, nagtamo ng injury sa ulo at iba pang bahagi ng katawan ang driver kung kaya isinugod ito sa hospital para malapatan ng lunas.

Read More:  Two men gunned down at Davao del Norter gas station

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa aksidente.