1.3-milyon na mga taga Camarines Sur bakunado na VS COVID-19

NAGA CITY- Umabot na sa 1, 308, 269 na mga taga Camarines Sur ang bakunado laban sa COVID-19 ngunit 77.37% pa lamang ito ng target population na mahigit 1.6M.

Sa buong rehiyon ang probinsya ang may pinakamarami nang bilang ng nababakunahan pero kung titingnan ang coverage rate pangatlo ito base sa record ng Department of Health Bicol.

Read More:  Two killed after fuel tanker crashes into roadside food cart in Negros Occidental

Tulad sa ibang probinsya problema ang pagbabakuna sa 5-11 anyos. Sinabi sa Brigada News FM ni Dr. Arnel Armea ng Municipal Health Office- San Jose na maayos naman ang bakunahan sa ibang age group. Sa pag-iikot aniya nila mahirap kumbinsihin ang mga magulang, may mga bata aniya na gusto pero hindi maaari kapag hindi payag ang magulang, hanggang ngayon kasi may mga nakakakot pa sa bakuna.

Read More:  One lane reopens after landslide strand motorists in Glan, Sarangani

Samantala kahapon nakapagtala ng isang panibagong kaso ng COVID-19 ang probinsya, residente ng Tambo Pamplona, isa naman ang nakarekober kaya sampu parin ang aktibong kaso.