Arestado ang isang lalaki sangkot sa serye ng pagnanakaw sa mga luxury hotel sa Taguig at Makati noong Oktubre 29.
Ang suspek, na kilala sa mga alyas na Daniel at Michael, 52 years old, ay nahuli sa isang hotel sa Makati matapos na mabiktima ang apat na empleyado ng gobyerno.
Naganap ang unang insidente sa Shangri-La The Fort Manila sa Bonifacio Global City, Taguig, kung saan natangay ng suspek ang iPad, tablets, cellular phones, laptops, at cash na aabot sa P674,000 mula sa mga miyembro ng isang choir habang nagpe-perform.
Pinangunahan ng Ayala Police Substation ang operasyon, kasama ang iba pang mga hotel sa Makati, upang matunton ang suspek na patuloy na nambibiktima ng mga bisita.
Sa pamamagitan ng CCTV footage, natukoy ng mga awtoridad ang suspek na naghahanap ng panibagong biktima sa isang five-star hotel sa Makati Avenue.
Natuklasan dub ng Makati Police na may naka-pending na warrant of arrest ang suspek para sa pagnanakaw sa Olongapo City, may piyansa na P10,000, at walang piyansa para sa kasong robbery sa Tagaytay City.