Sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) ang driver’s license ng motoristang si Jessie Virtudazo ng tatlong buwan.
Nabatid na sangkot ang lalaki sa hindi lang isa, kundi tatlong viral road rage incidents sa Quezon City.
Bukod sa suspension ng lisensiya ay posible pang bawiin ang lisensiya ni Virtudazo.
Samantala, humingi naman ng pang-unawa ang kanyang ina dahil siya raw ay may mental health condition.
Na-diagnose ang naturang lalaki na may bipolar disorder matapos makumbinsi ng kanyang nanay na magpatingin na sa doktor nang mapansing madalas ang pagiging magalitin.
Nilinaw naman ng LTO na hindi magiging batayan sa kanilang imbestigasyon ang kondisyon ng motorista.
