Lalaking nalunod sa Cagayan, patulong na hinahanap

Nagpapatuloy ang search and rescue operation ng Iguig Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office upang mahanap ang lalaking naiulat na nalunod sa Ilog Cagayan.

Ayon kay MDRRM Officer Susan Darauay, kinilala ang biktima na si Philip Ramirez Quizagan, 37-anyos at residente ng Barangay Callao, Peñablanca, Cagayan.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Una rito, napag-alaman na Enero 09, 2024 nang namasyal ang biktima sa pamilya ng kaniyang asawa sa Barangay Ajat bago nangyari ang insidente.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Isinalaysay ng mga nakasaksi sa insidente na bigla na lamang umanng tumalon ang biktima sa ilog sa hindi malamang dahilan na agad naming naiparating sa rescue unit at agad na nagsagawa ng search and rescue operation.