PBBM, pinag-aaralan ang hirit na muling suspendihin ang 5% contribution hike sa PhilHealth

Pinag-aaralan na ng Palasyo ang hiling na suspendihin ang contribution hike sa Philippine Health Insurance Corporation.

Sa ipinadalang mensahe ni Presidential Communication Office Secretary Cheloy Garafil sa media, sinabi nitong pinag aaralan na ni Pangulong Bongbong Marcos ang ipinadalang reccomendation letter ni Health Secretary Ted Herbosa na suspendihin ang 5% premium contribution hike sa Philhealth.

Read More:  Ombudsman complaint filed vs ES Ralph Recto over alleged ₱167-B fund transfers

Una nang sinabi ni Herbosa na sa tingin nya’y may sapat na pondo ang Philhealth para ipagpatuloy ang pagbibigay ng serbisyo, at hindi ito maaapektuhan ng pagkaantala sa pagtaas ng contribution.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Iniugnay ng Health secretary ang kanyang posisyon sa pagpapanatili ng pagsususpinde ng premium hike sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.