Haharap sa kasong kriminal ang isang lalaking napatunayang nagpanggap bilang enforcer ng Land Transportation Office (LTO) at nangikil ng pera sa isang motorista sa Cubao, Quezon City.
Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza, tutukan niya ang pagsasampa ng kaso rito upang matiyak na mapapanagot ito sa Korte.
Kaugnay nito, hinihikayat niya ang ilan pang biktima na lumabas at makipag-ugnayan sa kanilang opisina upang mas mapatibay ang kaso sa mga ito.
Maalala, kinilala ng awtoridad ang suspek na si Jurdinito Rid Macula at nakumpirma nga sa isinagawang verification process ng LTO-NCR na hindi ito nagtatrabaho sa nasabing ahensya.