Lalaking naglabas ng viral video hinggil sa pagpapahinto ng sasakyan sa Commonwealth, balak kasuhan ng mga pulis ng cybercrime

Binabalak ng Quezon City Police District (QCPD) na kasuhan ang lalaking naglabas ng viral video hinggil sa pagpapahinto ng sasakyan sa Commonwealth Avenue kung saan nadamay ang pangalan ni Vice President Sara Duterte.

Pinangalanan ni QCPD Station 14 Lt. Col. May Genio ang lalaki na si Janus Munar.

Ayon kay Genio, isa sa mga tinitingnan nilang reklamo laban kay Munar ay cybercrime pero agad naman nitong nilinaw na nagpapatuloy pa rin ang kanilang imbestigasyon.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Samantala, sa isang panayam ay mariing itinanggi ni Munar na siya ang kumuha ng video at sinabing ibinahagi lamang ito ng kanyang kaibigan sa Facebook messenger.

Aniya, ipinost niya sa social media ang video upang malaman ng publiko ang nangyari dahil para sa kanya sobra naman daw na patigilin pa ang mga sasakyan sa kahabaan ng Commonwealth para lang dumaan ang isang VIP.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Kung maaalala, nag-sorry na si QCPD Chief Police BGen. Redrico Maranan kay Duterte at sa publiko sa idinulot nitong abala at pagkalito sa sitwasyon.