1.46million metric tons ng aanihing bigas – posibleng mawala dahil sa apekto ng El Niño ayon sa NIA

Ibinunyag ng National Irrigation Administration (NIA) na nanganganib na mawalan ng 1.46M metric tons ng aanihing palay sa bansa bunsod ng El Niño.

Sa pulong balitaan, sinabi ni NIA officer-in-charge Deputy Administrator for Engineering and Operations Sector Josephine Salazar na natukoy na ng ahensya ang vulnerable areas sa tagtuyot.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Dagdag pa ni Salazar, suma total nasa higit 276k hektarya ang mga lupaing apektado.

Aniya, nangununga ang MIMAROPA, sumunod ang Western Visayas; habang pumapangatlo naman ang Central Visayas sa top El Niño-vulnerable regions.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Kung maaalala, taong 2018 nasa 300K na magsasaka ang apektado ng El Niño at humigit-kumulang P8B halaga ang dulot nitong pinsala sa agrikultura.