Lalaking kabilang sa Regional priority target on illegal drugs arestado sa bayan ng Paracale

CAMARINES NORTE- Arestado ang isang lalaki na kabilang sa listahan ng Regional Priority Target on Illegal Drugs sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad kahapon ng umaga sa Purok 1, Brgy. Tugos, Paracale, Camarines Norte.

Kinilala ang suspek na si alyas “ Mark” 33, may kinakasama, minero at residente sa naturang lugar.

Bitibit ang search warrant na inisyu Executive Judge Evan  Dizon ng Regional Trial Court  Branch 40, tinungo ng mga pulis ang tahanan ng suspek ginawa ang paghalughog.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Nagresulta ang naturang operasyon sa sa pagkakasamsam ng labingwalong piraso ng nakabukas at walang laman na plastik na pakete at dalawang piraso ng katamtamang laki ng plastik na pakete na may lamang hinihinalang shabu at isang maliit na timbangan.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Ayon sa PNP tinatayang umaabot sa 10 gramo ang timbang ng mga nakuhang iligal na droga na may katumbas na street value na nagkakahalaga ng Php 68,000.

Kasong paglabag sa Sec.11 ng RA 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002 ang kakaharapin ng suspek na kasalukuyang nasa kustodiya ng Paracale MPS para sa kaukulang disposisyon.