Headline inflation o pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa Camarines Norte bumagal sa antas na 2. 3 percent noong Pebrero

CAMARINES NORTE -Bumagal  ang “headline inflation” o pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa lalawigan ng Camarines Norte noong Pebrero.

Ito ay sa kabila ng sunod- sunod na pagtaas ng mga produktong petrolyo simula nang pumasok ang Enero.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) naitala sa lalawigan ang antas na 2.3 % inflation rate kumpara sa 2. 4 % noong Enero at 6.5 % sa kaparehong panahon noong isang taon.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Ito na rin ang pinakamababang antas ng inflation sa loob ng apat na taon o mula 2019.

Sa buong Bicol Region ay naitala ang 2.8 % inflation rate kumpara sa 2. 7 % noong Enero na mas mababa rin sa 7. 2 % sa kaparehong buwan noong 2021

Ito na ang pinakamababang antas ng inflation sa rehiyon sa loob ng apat na taon.

Pinakamabilis ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa Sorsogon sa 5. 5 % habang pinakamabagal naman sa Catanduanes sa 2. 1 %.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Sa buong bansa naman ay nanatili sa 3 % ang inflation rate.

Ang pabahay, tubig, kuryente, gasolina at iba pang fuels ang major contributor sa February 2022 inflation.

Kapag mataas ang inflation kinakailangang gumastos ng mas maraming pera ang mga tao para sa mga serbisyo at produkto na kanilang binibili.