NAGA CITY – Kritikal ang buhay ng limang pot pitong 57 taong gulang na lalaki matapos itong barilin ng hindi pa nakikilang suspek sa Barangay Manapao, Minalabac, Camarines Sur.
Kung saan sa panayam kay PMAJ Ronald Brogada, Officer In Charge ng Minalabac Municipal Police Station, pinaniniwalaang dating alitan ang dahilan ng pamamaril ng suspek sa biktimang si Enrique Castillo y Buita, manininda ng gulay, may-asawa at taga naturang barangay, na habang kagabi alas 7:20, nag-aayos lamang ng paninda kasama ang asawa nito sa kanilang bahay nang biglang dumating ang suspek at binaril ang biktima na tinamaan sa kaliwang likod ng katawan.
Kasalukuyan namang nag-iimbistiga pa ang mga otoridad sa pagkakakilanlan ng suspek at hinihintay na maging maayos ang kalagayan ng biktima lalo na’t posibleng kilala ng biktima ang suspek.
Napag-alaman na walang kahit na anong record ang biktima.
Nanawagan naman ang himpilan na ipagbigay alam lamang sa kanila sa posibleng may alam sa insidente at patuloy na mag-ingat.