Paglalagay ng terminal sa Robinsons Mall, inihirit ng isang grupo- Kon. Awat

May isang grupo na gustong malagyan ng terminal ang Robinsons Place Palawan tulad sa SM City Mall, ayon kay City Councilor Nesario Awat.

Nitong nakalipas na Lunes, ika- 9 ng Enero 2023 umano inihayag ng grupo ang tungkol rito.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Iniulat ito ng konsehal matapos kumpirmahin na extended ang “libreng-sakay” ng ilang shuttle van mula sa SM Mall patungo sa International Airport.

Gayunman, hinihikayat ng mambabatas ang grupo na sumulat sa komite ng transportasyon upang magkaroon ng pagdinig tungkol dito.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

“May nakaabot noong Lunes na another group na kung saan gusto naman nila ay sa Robinsons [Mall]. Syembre ang gusto naman namin ay sumulat sila sa opisina ng Mayor or sa Sangguniang Panlugsod para mapag-usapan ‘yung bagay na yan.”- ani Councilor Nesario Awat