Lalaki aksidenteng nakalunok ng susi ng kotse

Isang lalaki kamakailan sa Saudi Arabia ang nakalunok ng susi ng kotse at idinaan sa laparoscopic surgery.

Ayon sa impormasyon na ibinahagi ng isang staff sa ospital na pinanuluyan ng hindi na pinangalanang pasyente, pinaglaruan daw umano nito ang nasabing susi kung saan naging dahilan para mabara ang kaniyang respiratory tract.

Agad rin daw nila ito isinailalim sa x-ray examination at ditto na nga nakita ang susi na nakabara sa kaniyang dibdib na apektado ang daanan ng kaniyang paghinga.

Nang idinaan na ito sa operasyon, medyo naging komplikado ang proseso dahil sa mayrron palang sakit sa puso ang pasyente.

Gayunpaman, matapos ang ilang oras na operasyon, naging matagumpay ang ito at nakuha nga ang nasabing susi ng kotse.|WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *