Lalaki sa Netherlands, inutusang ihinto ang pagdo-donate ng sperm matapos paghinalaang ama sa 550 mga bata

Inutusan ng Dutch judges na itigil na ng isang lalaki ang pagdodonate ng sperm matapos na paghinalaang ama ng 550 mga bata, na itinuturing na pinakabagong fertility scandal sa Netherlands.

Read More:  10 killed, 62 injured in explosion at military barracks in Bolivia

Kinilala lamang ng Dutch media ang lalaki bilang Jonthan M., 41 taong gulang.

Ayon sa Dutch clinical guidelines, ang isang donor ay hindi dapat maging ama sa higit 25 anak sa 12 pamilya, ngunit sinabi ng mga judges na ang lalaki ay tumulong sa pag produce ng 550 at 600 mga bata mula nang magsimulang maging sperm donor noong 2007.

Read More:  Nepal flash flood death toll hits 1,252 as rescue operations continue

Kung magpapatuloy sa kanyang sperm donation, maaari siyang mapagmulta ng 100,000-euro ($110,000).//CA