Health Ministry ng Japan, inaprubahan ang paggamit ng abortion pill sa unang pagkakataon

Sa kauna-unahang pagkakataon, magiging available na ang abortion pill sa Japan matapos aprubahan ng health ministry ang gamot upang maiwasan sa bansa ang early-stage pregnancy.

Ayon sa Japan ministry, inaprubahan ng mga health officials ang mifepristone at misoprostol na ginawa ng isang British pharmaceutical company na Linepharma.

Read More:  153 killed in drone strike on market in Abyei, Africa

Available ang mga katulad na gamot sa maraming bansa, kabilang ang France, na unang nag-apruba ng abortion pill noong 1988, at sa United States na sinimulang gamitin noong 2000.

Read More:  17 killed, over 20 injured in stampede at India’s Durga Puja festival

Ang abortion ay legal sa Japan ngunit kinakailangan ng pahintulot ng asawa o kapareha, at hanggang ngayon, isang surgical procedure ang tanging option dito.//CA