Inaasahan ng Zambales Tourism Office na madadagdagan pa ang bilang ng mga Accommodation Establishment sa lalawigan na accredited ng Department of Tourism sa mga susunod na linggo.
Sa ngayon umano ay mayroong isandaan at anim na DOT accredited establishments habang tatlumput walo naman ang may Local Certificate of Compliance.
Kaugnay nito, dahil sa pagbaba ng alert level system ng maraming lugar ay nadadagdagan na rin ang mga turista na bumibisita sa probinsya lalo na kapag weekend.
Sa ngayon dahil sa mga protocol, kinakailangan muna na magrehistro ng mga turista sa Zambales VIS.I.T.A at kumpletuhin ang mga requirements na kailangan.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
