Lalaki, pinatay at inilibing sa gilid ng ilog sa bayan ng Surallah

KORONADAL CITY — NAHUKAY ng mga otoridad ang bangkay ng isang lalaki na pinaniniwalaang pinatay bago inilibing sa gilid ng Sapali River sa Barangay Naci, Surallah, South Cotabato.

Kinilala ang biktima na si Jonas Gulana Mansibad, 20, laborer, residente ng Barangay Kalbay, Davao, Occidental at pansamantalang naninirahan sa Sitio Landamay ng nabanggit na barangay.

Read More:  4 NPA members surrender after death of top leader in Surigao clash

Nakilala ang biktima ng pamilya nito sa pamamagitan ng damit na kanyang suot.

Suspek naman sa pagpatay sa biktima si Ruel Miguel, 30-anyos, single at residente ng Barangay Karahayan, Kaburan, Davao Occidental na pansamantal ring naninirahan sa Sitio Sawmill, Barangay Naci.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Una rito, inako umano ng suspek ang pagpatay sa biktima gamit ang patalim matapos nagkasagutan. Inako din nito na inilibing niya ang bangkay nito sa tabi ng ilog.

Agad namang nahuli ng mga otoridad ang suspek sa krimen.