Dalawang bahay, nahulog sa ilog dahil sa landslide

Gumuho ang lupang tinitirikan ng dalawang bahay sa Barangay Poblacion 1, Mulanay, Quezon nitong Sabado, Nobyembre 2.

Ayon sa police report, bandang alas-5:00 ng umaga nang mabitak ang bahay at saka nahulog ito sa ilog dahil sa mataas na lebel ng tubig.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Sa pahayag naman ng mga apektadong residente, nagulat na lamang sila nang makarinig ng ingay ng madaling araw at laking gulat ng makitang gumuguho na ang lupang tinitirikan ng kanilang mga bahay.

Isa ang sugatan sa nangyaring insidente na agad naman naisugod malapit na pagamutan sa lugar.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Tinatayang aabot sa halagang ₱200,000 naman ang halaga ng iniwang pinsala ng nasabing landslide.

Samantala, namahagi naman ng food packs, hygiene kit, at sleeping kit ang LGU sa mga pamilyang apektado.