Lalaki patay sa saksak sa Puerto Princesa

Patay ang isang lalaki matapos na saksakin noong pasko ng madaling araw sa Zone 1 Purok Bagong Silang sa Bgy. San Miguel, Puerto Princesa.

Nakilala ang biktima na si Glen Candor Basilan, 47 anyos habang ang suspek ay si Randy Tamayo Ty na residente din sa lugar.

Ayon sa Police Station 1, kahapon ay binawian na ng buhay sa ospital ang biktimang si Glen matapos magtamo ng saksak.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Lumalabas sa imbetigasyon na ganap na alas-sais ng gabi noong araw ng pasko bago ang pananaksak ay nag-iinuman sa kanilang kapitbahay ang suspek at biktima na nauwi sa mainit na pagtatalo.

Dahil dito, pinagsabihan umano ng suspek ang biktima na “Mamaya ka lang!”.

Ganap na alas-dose noong gabing iyon ay natapos ang pag-iinuman hanggang sa may dumating na bisita at ganap na alas-tres ng umaga ay narinig na lamang si Glen na sumisigaw at humihingi ng tulong.

Read More:  4 NPA members surrender after death of top leader in Surigao clash

Isang kapitbahay ang nakakita sa biktima na dugoan habang ito’y nasa higaan at naliligo sa sariling dugo dahil sa mga tinamong mga saksak sa katawan.

Isinugod ang biktima sa Ospital ng Palawan habang ang suspek ay kusang sumuko sa pulisya na nahaharap ngayon sa kasong murder.