10 bayan sa Sorsogon, pasado sa Good Financial Housekeeping

SORSOGON CITY – Napabilang ang 10 munisipyo ng lalawigan na nakapasa sa Seal of Good Financial Housekeeping (GFH) ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Kinabibilangan ito ng bayan ng Barcelona, Bulusan, Casiguran, Castilla, Gubat, Irosin, Juban, Pilar, Pto Diaz at Sta. Magdalena.

Apat na bayan naman ang hindi nakapasa katulad ng bayan ng Matnog, Bulan, Magallanes at Donsol.

Read More:  5-year-old boy dies after falling into pit in Davao City

Sa pamamagitan ng GFH, makikita dito ang maayos na pamamahala ng mga lokal na pamahalaan sa kabang yaman ng 10 bayan.

Ang isang advantage ng pasado sa financial administration ay ang pagkakaroon ng mga LGUs ng magandang financial standing kung saan maaari silang makapagloan sa mga bangko.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Ang GFH ay isang bahagi ng Seal of Good Local Governance (SGLG) na dating kilala bilang Seal of Good Housekeeping na pinasimulan ng DILG noong 2010.

Upang makatanggap ng SGLG, kailangan ng isang LGU na ipasa ang  tatlong core assessment areas katulad ng Good Financial Housekeeping, Social Protection at Disaster Preparedness at kahit isa, mula sa essential assessment area katulad ng – Business Friendliness at Competitiveness, Peace and Order o Environmental Management.