Nagpaliwanag ang lokal na pamahalaan ng Roxas, Palawan kaugnay sa bigas na may bukbok na natanggap ng mga residente sa Bgy. San Jose.
Ayon kay Municipal Administrator Officer Vic Lagera , pinabulaanan nito na hindi direktang galing sa LGU ang mga bigas na may bukbok na naipamahagi sa mga residente sa lugar.
Paliwanag nito may dalawang tauhan mula sa LGU ang tumulong para sa distribution ng 10 kilong bigas at ipinagamit din ang kanilang isang sasakyan kaya posibleng inakala ng mga residente na sa munsipyo nagmula ang bigas na ipinamahagi.
Hindi na binaggit kung saan galing ang bigas na ayuda ngunit natitiyak umano ang lokal na pamahalaan dekalidad ang kanilang bigas na binibili at binibigay sa mga nasalanta ng bagyong Odette.
Inako na lamang ng munisipyo ang pagkakamali at nangakong babalikan ang mga residente ng Bgy. San Jose upang mabigyan ng maayos na bigas.