Lalaki patay matapos umanong manlaban sa buy bust ops sa Daraga, Albay

BICOL—Nasawi ang lalaking kabilang sa listahan ng PNP ng mga indibidwal na may kaugnayan sa iligal na droga matapos umano itong manlaban sa buy bust operation sa Barangay Budiao, Daraga Albay.

Nakilala ang suspek na si Norkasan Samporna, alyas “Monching”, nasa legal na edad, taga Legazpi City.

Read More:  Forest fire affects 7 hectares in Davao de Oro

Base sa inisyal na ulat ng Daraga Municipal Police Station, nakahalata umano ang suspek na pulis ang kanyang katransaksyon matapos na magkabilihan kaya sinubukan nitong manlaban na nauwi sa palitan ng putok.

Read More:  Truck carrying students, teachers and parent crashes in Davao Oriental

Sa huli ay nasawi ang suspek kung saan narekober dito ang isang sachet ng pinaniniwalaang shabu na tinatayang nasa 5 gramo ang timbang at may street value na P30,000.

Patuloy ang imbestigasyon ng PNP sa nasabing insidente.#