Lalaki, patay matapos malunod sa Tabaco City

LEGAZPI CITY – Wala nang buhay nang matagpuan ang isang lalaki matapos malunod sa ilog sa Purok 4, Brgy. Buang, lungsod ng Tabaco, Albay.

Kinilala ang nasawing biktima na si Cesar Bombon Borabo, 59 anyos at residente ng nasabing barangay.

Ayon sa report, umaga nang makatanggap ng tawag ang Tabaco CPS mula sa concerned citizen tungkol sa pagkalunod ng isang lalaki sa lugar.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Dahil dito, agad na pinuntahan ng mga otoridad ang barangay upang beripikahin ang naiulat na insedente.

Nang marating ang lugar ay dito nakita ng pulisya ang palutang-lutang na katawan ng biktima sa ilog.

Sa inisyal na imbestigasyon, umaga nang makita ang katawan ng biktima ng kanyang apo, kung kaya’t humingi agad siya ng saklolo sa mga residente.

Read More:  Dumanjug Mayor’s driver’s license suspended for 90 days after viral crash in Cebu

Napag-alaman din sa imbestigasyon na galing sa inuman ang biktima.

Hindi rin nakitaan ng foul play ng mga otoridad na ang nasabing insidente.

Samantala, ang katawan naman ng biktima ay pansamantalang nasa punerarya.