Lalaki, patay matapos makuryente

Labis ngayon ang pagdadalamhati ng pamilya, mga kamag-anak at kaibingan ng 34-anyos na lalaki matapos na makuryente sa bayan ng Castilla, Sorsogon.

‘Dead on arrival’ sa Castilla District Hospital ang biktima na si Randy Berwega Mendez naninirahan sa Purok Rose, Brgy Cumadcad ng nasabing bayan.

Read More:  Hard-to-reach Aklan village gets health, education support

Sa ulat na natanggap ng Brigada News, nasa rooftop ng bahay ng isang Esmael Romano ang biktima at may dalang hand drill nang aksidenteng mahawakan nito ang isang live wire.

Read More:  Murad Ebrahim stresses moral governance on FAB anniversary

Naitakbo pa ito sa ospital ng rumespondeng mga personahe ng MDRRMO subalit hindi na ito nakarating ng buhay.