Lalaki, patay matapos makuryente sa loob ng bahay sa Daraga, Albay

Wala nang buhay ang 53-anyos na lalaki nang matagpuan ito sa loob ng bahay sa P-7, Iraya, Brgy. Lacag bayan ng Daraga, Albay.

Kinilala ang nasawing biktima na si Rodulfo Llantero Nares at residente ng nasabing barangay.

Ayon sa report, bandang alas 2 ng hapon nang personal na magtungo sa Daraga MPS si Brgy. Kagawad Bernardo Barcena ng Brgy. Lacag at inulat na may nakuryenteng lalaki sa kanilang barangay.

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution

Agad na tumungo sa nasabing lugar ang pulisya upangi-verify ang insidente.

Pagdating doon, natagpuang ang isang lalaki na nakahiga at walang nang buhay.

Sa inisyal na imbestigasyon, napag-alamang ang biktima ay mag-isang nakatira sa kanyang bahay.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Bandang alas-11 ng umaga, maghahatid sana ang kapatid ng biktima ng pagkain tulad ng karaniwan nilang ginagawa, ngunit naabutan nilang nakahandusay ito sa sahig at wala nang buhay.

Katabi nito ang live na saksakan ng kawad ng kuryente na may mga palatandaan ng mga pinsala at paso sa itaas na bahagi ng katawan.

Napag-alaman ding ang biktima ay dumaranas ng epileptic na kondisyon at depresyon.