Be Riceponsible, tema sa pagbubukas ng NRAM ngayong taon

Binuksan na ang pagdiriwang ng National Rice Awareness Month o NRAM sa Region 3 ngayong taon.

Ito ay may temang Be Riceponsible na naglalayong hikayatin ang bawat Pilipino na huwag magsayang ng kanin at kumain lamang ayon sa kayang ubusin.

Read More:  Gunman arrested after shooting near school in Cebu City

Ang NRAM ay taunang ginaganap tuwing Nobyembre sa ilalim ng Proclamation No. 524, s. 2014.

Read More:  Religious beliefs influence family planning decisions among some Muslim families – CRMC

Ito ay para isulong ang responsableng pagkunsumo ng kanin at bigyang halaga ang pagod ng mga magsasaka.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: DA CENTRAL LUZON