NAGA CITY – Muling nanawagan ang Naga City Veterinary Office sa publiko na agad i-report o ipa-alam sa kanila kung may mga biglaang pagkamatay o pagkakasakit ng mga baboy lalo na ngayong binabantayan ang African Swine Fever (ASF) matapos na may mga mairecord sa Sorsogon.
Sa panayam kasi ng Brigada News FM Naga kay Dr. Junios Elad, City Veterinarian, ito ang iniiwasan nilang makapasok muli sa lungsod dahil napipilay ang pagnenegosyo at apektado ang presyo sa merkado kapag may ASF.
Patuloy rin ang monitoring at pagbisita sa mga piggery o may mga alagang baboy.
Mahigpit rin nilang hinahanapan ng mga certificate at permit ang mga nagtatransport ng mga baboy sa slaughter house.