CAMARINES NORTE- Patay ang isang lalaki makaraang mahagip ng van Linggo ng madaling araw sa Purok-1, Barangay Bactas, Basud Camarines Norte.
Kinilala ang biktima na si Ricky Sardo 35 anyos, binata at residente sa naturang lugar.
Sa ulat ng pulisya, galing umanong Naga City ang van na minamaneho ng isang alyas “Nel” 37, pauwi ng Paracale Camarines Norte.
Nahagip ng van ang biktima habang ito ay naglalakad sa may kanang bahagi ng ng kalsada.
Nagtamo ng malalang pinsala sa ulo ang biktima na isinugod pa sa Camarines Norte Provincial Hospital ng mga rumispondeng personahe ng MDRRMO ngunit idineklara itong dead on arrival ng nakatalagang doktor.
Nagsagawa pa ng imbestigasyon ukol sa pangyayari ang mga tauhan ng Basud MPS habang ang suspek at ang sasakyang sangkot ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng nasabing himpilan.
