NAGA CITY- Isang linggong inihanda ng Carangcang Elementary School sa Magarao , Camarines Sur ang mga voting precincts at waiting area para sa lahat ng botante lalo’t kakaiba ang eleksyon ngayon resultang COVID-19 pandemic.
Isa sa mga botante rito si Vice Presidente Leni Robredo na kandidatong Pangulo. Ayon kay District Supervisor Principal Grace Cedilla, nagpapasalamat sila dahil hindi sila na pressure. Kahit dito boboto si VP Leni walang request ng special treatment. Ordinaryong botante aniya ang turing nila sa opisyal dahil iyon naman ang nais nito.
May inilaan ding lugar para sa local at national press, may itinalaga ring parking areas.
Kahapon binisita ni Camarines Sur Police Provincial Director PCol. Bernardo Perez ang lugar, tiningnan din ang deployment ng mga pulis.