Opisyal nang nagsimula ang botohan para sa national at local election ngayong araw.
Alas 6:00 pa lamang ng umaga ay maraming mga voting presincts mula sa mahigit 106,000 voting precincts ang nagpapasok na ng mga botante para makaboto sa kani-kanilang mga presinto.

Samantala, personal naman sinaksihan ni Comelec Chairman Saidamen Balt Pangarungan ang pagbubukas ng mga presinto sa Andres Bonifacio Elementary School sa Pasay City.
Ayon kay Pangarungan nagging maayos at walang naging aberya sa naturang mga presinto sa pagbubukas ng botohan.
Una nang sinabi ng COMELEC na hanggang alas-7 ng gabi ay pwede pang tumanggap ang mga presinto ng mga gustong bumoto.