Wala ng buhay at palutang-lutang sa ilog nang matagpuan ang isang lalaki sa Barangay Dalahican, Lucena City nitong Linggo, Mayo 19.
Ayon sa report, bandang alas-9:00 ng umaga nang matagpuan ang katawan ng biktimang si alyas “Edmon”, 44-anyos, na may mga saksak pa sa dibdib.



Sa ngayon, isasailalim sa autopsy examination ang labi ng biktima upang matukoy ang totoong sanhi ng pagkamatay nito.
Patuloy rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang suspek at ang motibo sa pamamaslang sa nasabing biktima.