Nasakote ang isang lalaki matapos ang ikinasang drug buy-bust operation ng Tayabas City Police Station sa Brgy. Camaysa ng naturang lungsod nitong Linggo, Enero 28.
Ayon sa report, matagumpay umanong nakabili ng hinihinalang shabu ang isang poseur buyer na nagresulta sa pagkakaaresto ni alyas “Kalapati”, 52-anyos, residente ng Purok Damayan Brgy. ibabang Iyam, Lucena City.
Napag-alaman din na kabilang ang naaresto sa listahan ng mga Street Level Individuals (SLI).
Kaugnay nito, nakumpiska mula kay alyas Kalapati ang dalawang (2) transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng ₱91,000 at isang 1000 peso bill na ginamit bilang buy-bust money.
Samantala, kasalukuyang nakadetine ang suspek sa kustodiya ng Tayabas CPS at posibleng maharap ngayon sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002”.