Lalaki na nanlaban sa police operations, napatay ng rumespondeng pulis

SORSOGON CITY – Patay ang isang lalaki matapos na sugurin nito ng  kanyang hawak na patalim ang rumespondeng pulis na nagsagawa ng follow-up operation makaraang atakehin nito ang kanyang kainuman sa Sitio Luksuhon, Brgy Pinamasingan sa bayan ng San Pascual, Masbate.

Sa ekslusibong panayam ng Brigada News Sorsogon sa imbestigador ng nasabing kaso, patuloy pa umano ang kanilang imbestigasyon dahil nang mangyari ang insidente ay agad na nagpull-out sa nasabing erya ang mga rumespondeng pulis dahil ang lugar ay kilalang ‘NPA infested area,’ subalit naiturn-over nila ang mga labi ng biktima sa isang kamag-anak.

Ang suspek na nakilala lamang sa pangalang ‘Herbacio’ ay naiulat na nakipag-inuman sa nasabing barangay nang makaalitan nito ang isa sa kanyang kainuman.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Sa galit ng suspek ay kinuha nito ang isang kahoy at ipinukol sa kainuman na tinamaan sa kanang mata at kilay.

Nakatakas ang biktima sa lugar habang ang suspek ay kumuha pa ng patalim.

Ang insidente ay naireport sa Pulisya kung saan kumilos at agad na nagresponde ang ilang tauhan ng San Pascual Police

Sa isang kubo natagpuan ng mga awtoridad ang suspek at dito na ito pinakiusapang sumurender subalit nakipagsagutan pa ito sa pulis imbes na ibaba ang armas.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Nang lapitan ng pulis ang suspek ay agad na kinuha nito ang patalim at sinugod ang pulis, dito na gumanti ng putok ang mga pulis na ikinasawi ng suspek.

Ang insidente ng pakikipagnegosasyon ng pulis at pagsugod ng suspek dito ay nakuhanan ng video.

Sa panayam ng Brigada News sa hepe ng PCR Masbate PPO na si PSMS Zandro Cabintoy, sinabi nito na napanood na nila ang kumalat na video at magsasagawa din sila ng kaukulang imbestigasyon kung may pananagutan din ang naturang pulis.