SORSOGON CITY – Hinainan na ng kanyang warrant of arrest ang isang lalaki na nagpalabas ng video noon sa kanyang facebook account at nag-aakusa sa ilang indibidwal na may kinalaman sa pagpatay sa isang Board Member ng West District, Sorsogon City.
Kinilala ang akusado na si Daniel Villafuerte God alias ‘DVG Masuwa,’ 41-anyos, binata at naninirahan sa Purok Baybay, Brgy Rizal, West District ng nasabing lungsod.
Ang pag-aresto ay sa pamamagitan ng bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng RTC 5th Judicial Region Br 52, Sorsogon City sa kasong cyber libel na may itinakdang piyansa na P30K.
Kung babalikan, noong nakaraang buwan ay lumabas ang live video ng akusado sa kanyang fb account na ‘DVG Masuwa’ kung saan pinangalanan nito ang tatlong indibdiwal na may kinalaman umano sa pagpatay kay Sangguniang Panlalawigan Member Peter Ravanilla.
Ang opisyal ay pinababaril-patay sa tapat ng kanyang establisamiyento noong taong 2017.
