Lalaki na nagpaalam na maligo sa tabing dagat-  pinaghahanap sa Palawan

Nagpapatuloy ngayon ang Search and Rescue Operation ng Municipal Disaster Risk Reduction Management sa San Vicente kasama ang Philippine Coastguard sa isang lalaki na naiulat na nawala sa baybayin ng Bgy. Caruray San Vicente, Palawan mula noong Lunes ng hapon, ika- 8 ng Agosto.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Kinilala ang pinaghahanap na si Nomer V. Asuque, 42 anyos residente sa lugar na mayroon umanong neurological disorder.

Ayon sa MDRRMO, kahapon ng umaga ay humingi na tulong sa kanila ang barangay at pamilya para mahanap si Nomer.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Sa impormasyon umano na nakarating sa MDRRMO, Lunes ng hapon ng huling makita si Nomer sa isang ‘Tandol’ ng barangay kung saan nagpaalam umano para maligo.

Napag-alaman na malakas din umano ang hangin at alon noong mga araw na iyon.