Lalaki, minartilyo sa ulo habang nakikipag-inuman sa Puerto Princesa

Ospital ang bagsak ng isang lalaki matapos hatawin ng martilyo sa kanyang ulo nitong gabi ng Huwebes, ika- 9 ng Enero 2023.

Nangyari ang insidente sa Purok Ep-Ep, Brgy Bagong Bayan, Puerto Princesa City.

Ayon sa Police Station 2, bago ang insidnete ay nakikipag-inuman ang biktimang si Mark Cabanillas Macasibang, 34 anyos sa walo nitong kasama sa bahay ng isang Carla Manlapaz.

Read More:  2 men killed, 2 women injured in Cotabato City ambush

Bigla umanong dumating ang suspek na si Wilmer Miano Dumao 63 anyos na umano’y lasing o nakainom ng alak bago hinataw sa ulo ang bitkima sa ulo.

Read More:  Two killed after fuel tanker crashes into roadside food cart in Negros Occidental

Isinugod sa Napsan Satelite Clinic bago inilipat sa Ospital ng Palawan si Macasibang habang mabilis na nahuli si Dumao at nakuha sa kanya ng mga tanod ang isang martilyo.

Samantala, ‘napag-tripan’ lang umano dahil uminit ang ulo ng suspek, ayon kay PMAJ. Noel Manalo ng Police Station 2.