Lalaki, himas-rehas matapos makumpiskahan ng ₱282k halaga ng hinihinalang shabu Lucena City

Himas-rehas ngayon ang isang lalaki matapos itong makumpiskahan ng mahigit ₱287,000 na halaga ng hinihinalang shabu sa Barangay Dalahican, Lucena City nitong Sabado, Hulyo 20.

Isang poseur buyer ang nakabili ng hinihinalang shabu sa suspek na si alyas “Baroroy”, 36-anyos, na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto.

Read More:  Newly graduated man shot outside Pantukan school in Davao de Oro

Samantala, nakumpiska sa suspek mahigit 13 gramo ng hinihinalang shabu at ang buy-bust money na ginamit sa operasyon.

Read More:  PRO-8 files multiple charges against teen suspect in Tacloban School shooting

Kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.